Sabi nila, tunay na lalaki ka kapag hindi ka takot na ipakita ang kahinaan mo. Well, somehow I agree to that pero di naman sa lahat ng pagkakataon pwede yung ganung pag-iisip. Lalong-lalo na kung ikaw ay nasa isang relasyon. ‘Di ba mas encouraging para sa inyong mga babae yung nakikita niyong matatag at malakas at kahit ano pang problema danasin ng relasyon niyo eh di nagpapatalo o nagpapatumba ang lalaking mahal niyo? Ngayon, kung hindi kami matatakot na ipakita namin sa inyo yung kahinaan namin, ‘yun pa siguro ‘yung magiging dahilan para masira ‘yung kung anong relasyon meron. Gusto kasi naming mga lalaki, yung pinaparamdam namin sa inyo na malakas kami, na wala kaming kahinaan, hindi para magpa-impress kundi para ipakita sa inyo na kahit ano pang dumating, kakayanin at kakayanin namin lampasan para sa inyo, para sa ikaka-grow ng relationship. Well, siguro nga minsan, dapat na naming ipakita yung kahinaan namin when we are at our lowest, siguro yun lang, pero hangga’t kaya, we won’t talk much of it. As we all know, mataas din naman ang pride naming mga lalaki, pero mas mataas talaga sa mga babae. But girls, do know that YOU are our pride and unfortunately, at the same time, our greatest weakness. We’ll do anything to make people know na kayo ang mahal namin, sukdulang sumigaw kami maya’t maya sa kalsada na sinasabi sa bawat taong naglalakad na kayo ang mahal namin. Sabi nga nila sa Physics, “An object is only as strong as it’s weak point”.
Does this post of mine makes any sense? I just wrote this after waking up. Hahaha!